MAHIGIT 50 million pesos ang kinita sa takilya ng pelikulang “Five Breakups and a Romance” nina Alden Richards at Julia Montes.
Ito ang ibinalita ni Alden sa kanyang social media accounts, kasabay ng pagpapasalamat sa suporta ng mga fans.
Simula nang mag-showing ang “Five Breakups and a Romance” sa local cinemas noong Oct. 18 ay wala pang ibang pinoy movies na ipinalalabas.
Kasabay naman nito sa naturang playdate ang foreign films na Killers of the Flower Moon, Deeper Fear, Target, at Love Reset.