22 February 2025
Calbayog City
Metro

Fire Stations sa EMBO Barangays balik na sa normal na operasyon

BALIK na sa normal ang operasyon ng mga Fire Station sa EMBO Barangays sa Taguig.

Ayon sa Taguig Local Government Unit (LGU), matapos na ikandado ng Makati City LGU ang mga Fire Stations sa EMBO noong Disyembre 2023 ay binuksan na muli ang mga ito.

Ipagpapatuloy ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang pangangasiwa at pagpapatakbo sa mga istasyon ng bumbero sa EMBO.

Kamakailan ay pinangunahan ni DILG Sec. Benhur Abalos ang seremonya para sa muling pagbubukas ng Fire Station sa Brgy. West Rembo.

Ayon sa Taguig LGU, gaya ng sa mga Health Centers at mga pasilidad ng Barangay na patuloy na ipinagkakait sa mga residente ng EMBO ang paggamit, hindi isinusuko ng taguig ang lahat ng karapatan nito sa pagmamay-ari ng mga pasilidad na ito at ng lupang kanilang kinatitirikan.

donna cargullo
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *