22 November 2024
Calbayog City
National

Findings sa imbestigasyon sa war on drugs, dapat ibahagi sa DOJ at Ombudsman at hindi sa ICC, ayon sa SolGen

solicitor general

Inirekomenda ni Solicitor General Menardo Guevarra na dapat i-refer ng Quad Committee ng Kamara ang mga nakalap na ebidensya sa kanilang mga pagdinig, sa Department of Justice o sa Office of the Ombudsman, sa halip na sa International Criminal Court (ICC).

Sinabi ni Guevarra na mas mainam na lahat ng mga ebidensyang nalikom mula Congressional Committee hearings ay mai-turnover sa sariling executive agencies ng bansa, para sa kaukulang imbestigasyon at prosekusyon.

Binigyang diin ng SolGen na mandato ng DOJ at Ombudsman na pagtibayin ang findings ng Congressional Committees nang may respeto sa usaping kriminal.

Idinagdag ni Guevarra na ang papel naman ng Office of the Solicitor General ay para sa susunod nang mga hakbang.

Una nang nanawagan ang human rights groups, pati na ang National Council of Churches in the Philippines (NCCP) sa pamahalaan na bigyan ng access ang ICC sa mga witness at testimonya sa Quad Comm hearings sa extrajudicial killings.

donna cargullo
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.