NAKAKUHA ang Philippine Women’s National Football Team ng spot sa 2026 AFC Asian Cup Quarterfinals.
Na-secure ng Filipinas ang Quarterfinal ticket kasunod ng pamamayagpag ng Japan laban sa Vietnam sa score na 4-0 noong Martes.
Dahil dito, napabilang ang koponan ng Pilipinas sa dalawang best third placers sa tournament.
Unang kinapos ang Filipinas sa Australia at South Korea, subalit nakabawi sa 2-0 win laban sa Iran, para sa 1-0-2 win-draw-loss record sa Group C.
Hindi sapat ang kanilang record para makakuha ng outright Quarterfinals spot, kaya nakasalalay ang kanilang kapalaran sa mga kamay ng ibang teams.
Makakasagupa ng Pilipinas ang Japan sa March 15 sa Quarterfinals, at kung sakaling manalo ay hindi lamang uusad ang pambansang koponan sa Semifinals, kundi sa FIFA World Cup sa 2027.




