UMAKYAT ang Philippine Women’s National Football Team na Filipinas sa No. 39 ng FIFA Women’s World Ranking.
Mas mataas ito ng dalawang Spots kumpara sa kanilang dating Ranking na No. 41 noong June 12.
China, pinadapa ng Team Philippines sa Men’s Floorball sa World Games
Jiu-Jitsu Fighter Kaila Napolis, nasungkit ang Silver Medal sa World Games
Coach ng Saudi Arabia, pinaghahandaan ang ‘Very Difficult’ Playoff game laban sa Gilas Pilipinas sa FIBA Asia Cup
Alas Pilipinas, puspusan na ang paghahanda para sa nalalapit na tournaments
Noong Hunyo ay sumabak ang Filipinas sa 2026 AFC Women’s Asian Cup Qualifiers kung saan tinalo nila ang Saudi Arabia sa 3-0, Cambodia (6-0), at Hong Kong (1-0), para makapag-book ng Slot sa Asian Cup sa susunod na taon.
Naabot ng Filipinas ang pinakamataas na Ranking sa No. 38 noong December 2023, ilang buwan matapos mag-debut ang Filipinas sa FIFA Women’s World Cup.
Lalahok din ang pambansang koponan sa nalalapit na 2025 Asean Women’s Championship, kung saan dedepensahan nila ang titulo.