KINAPOS ang Philippine Women’s National Football Team sa score na 1-0 sa host nation na Australia sa kanilang unang match sa AFC Women’s Asian Cup 2026, sa Perth Stadium.
Si Chelsea Star Sam Kerr ang naka-score ng marginal goal sa 14th minute.
ALSO READ:
Pilipinas, magsisilbing host ng Under 19 Asian Sepak Takraw Championship
Cignal, binasag ang plano ng PLDT na tahasang makapasok sa Semis
UP, itinanghal na kampeon sa UAAP Men’s Football matapos padapain ang FEU sa Finals
Pinay tennis superstar na si Alex Eala, umakyat sa panibagong career-best No. 31 sa WTA rankings
Ito na ang 70th goal ni Kerr para sa Australia, pero kauna-unahan simula noong 2023, matapos hindi makapaglaro dahil sa knee injury sa mga nakalipas na taon.
Dahil dito, nakuha ng Australia ang lahat ng 3 points sa Group A.
Magbabalik-aksyon naman ang Pilipinas sa March 5 laban sa South Korea.
