HINDI nakabawi ang Philippine Women’s National Football Team sa AFC Women’s Asian Cup.
Muling nakatikim ng pagkatalo ang Filipinas sa continental tournament, sa score na 0-3 laban sa South Korea, kahapon, sa Robina Stadium sa Gold Coast, Australia.
Sunod naman na makakalaban ng pambansang koponan ang Iran sa Linggo, March 8, sa kaparehong venue.
Dito ay sasabak ang Filipinas sa nakakakabang sitwasyon sa kompetisyon kung saan ang nakataya ay World Cup qualification.




