KABILANG na ang Filipino-American basketball player na si Jordan Clarkson sa New York Knicks matapos maisapinal ang Contract Buyout sa Utah Jazz.
Ibinahagi ng dating Gilas Pilipinas Standout ang balita sa pamamagitan ng post sa X, matapos itong ianunsyo ng team.
Nakapagtala ang 2021 NBA Sixth Man of the Year ng averages na 16.2 points, 3.7 assists, at 3.2 rebounds sa 26.0 minutes sa Jazz sa nakalipas na Season.
Si Clarkson na Lethal Scorer sa Guard Position, ay inaasahang tutulong sa kasalukuyang Knicks Stars at All-NBA second and third members na sina Jalen Brunson at Karl-Anthony Towns, at iba pa.
Ang Fil-Am Cager ay mayroong career averages na 16.0 points, 3.4 rebounds, at 2.9 assists sa 27.7 minutes sa 753 games sa labing isang Seasons na naglaro ito para sa Los Angeles Lakers, Cleveland Cavaliers at Utah Jazz.




