PINATALSIK ng Far Eastern University ang Ateneo De Manila University mula sa final four contention.
Ito’y matapos angkinin ng Lady Tamaraws ang 25-23, 22-25, 25-22, 25-13 victory mula sa Blue Eagles sa UAAP Season 87 Women’s Volleyball Tournament, sa PhilSports Arena.
ALSO READ:
Alex Eala, nasungkit ang kanyang unang SEA Games gold medal sa Women’s Tennis
Olympians na sina Eumir Marcial at Aira Villegas, umusad sa Boxing Finals sa SEA Games
Alex Eala, pinadapa ang pambato ng Thailand para makapasok sa Tennis Finals sa SEA Games
Pilipinas, nakasungkit ng 4 na gold medals sa SEA Games Practical Shooting
Pinangunahan ni Faida Bakanke ang Lady Tamaraws sa kanyang 19 points, habang nag-ambag sina Gerz Petallo at Chenie Tagaod ng 13 at 12 points.
Dahil dito, umakyat ang FEU sa 8-4 na nagpatibay sa kanilang ikatlong pwesto sa standings habang bumagsak sa 4-8 ang Ateneo.
