5 February 2025
Calbayog City
National

35 Pesos per kilo na bigas, mabibili na ng publiko sa ilalim ng Food Security Emergency; SRP sa imported na bigas, ibinaba sa 55 Pesos kada kilo

MAARI nang makabili ang mga consumer ng bigas sa halagang 35 Pesos kada kilo, kasunod ng deklarasyon ng Food Emergency sa bigas.

Gayunman, kapalit nito ay ang pagkalugi ng hanggang 2.25 Billion Pesos sa National Food Authority (NFA), dahil ibebenta nila ang bigas ng mas mura kumpara sa pagkakabili nila.

Ayon kay NFA Department Manager Roy Untiveros, magre-release ang ahensya ng kanilang stocks na well-milled rice na hanggang 3 months old, sa Local Government Units, Government-Owned and Controlled Corporations, at kadiwa ng Pangulo sites sa halagang 33 Pesos per kilo.

Sinabi ni Untiveros na nagpadala na sila ng sulat sa LGUs upang ma-establish ang demand na magiging basehan ng buwanang alokasyon sa mga lugar.

Ilalabas ang stocks sa pamamagitan ng Food Terminal INC. Saka ibebenta sa publiko sa halagang 35 Pesos Kilo, na kabilang sa pinakamurang available na bigas.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).