7 April 2026
Calbayog City
National

Anti-hoarding Rules sa langis patuloy na iiral, ayon sa DOE

WALANG kakulangan sa suplay ng langis sa bansa, pero patuloy na ipatutupad ng Department of Energy ang anti-hoarding sa produktong petrolyo.

Ayon kay Energy Secretary Sharon Garin, kahit tatagal ng mahigit limampung araw ang suplay ng langis sa bansa, dapat tiyaking naipatutupad pa rin ang panibagong anti-hoarding rules.

Layunin aniya nitong masiguro ang sapat na suplay para sa lahat, maiwasan ang panic buying at mapanatiling maayos ang daloy ng suplay sa buong bansa.

Maituturing na hoarding kapag ang gasolinahan ay tumatangging magbenta nang walang sapat na dahilan o kaya ay nagtatago ito ng suplay.

donna cargullo

Chief News Correspondent
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.
Listen Live