NANAWAGAN si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga Pilipino na protektahan ang bansa mula sa Fake News at Misinformation.
Sa kanyang talumpati sa Grand Parade sa Quirino Grandstand sa Maynila, sa paggunita ng 127th Independence Day, kahapon, sinabi ng pangulo na kung titingnan ang mga nangyayari ngayon sa mundo, ang kalayaan ay tila panandalian lamang.
ALSO READ:
DA, palalawakin ang P20/Kilo Rice Program sa Clark
ICI, sinimulan na ang imbestigasyon sa Mandaue Flood Control Projects
Konkretong hakbang laban sa korapsyon, panawagan ng INC sa Luneta Rally
PBBM at Dating Speaker Romualdez, inakusahan ni Dating Cong. Zaldy Co na nangulimbat ng 56-B pesos na kickbacks mula sa flood control
Idinagdag ni Marcos na ang mga kasinungalingang walang hanggan, mga balitang walang katotohanan at maling impormasyon, ang mga salot sa ating kalayaan.
Binigyang diin ng punong ehekutibo na ang kalayaan ay dapat alagaan, binabantayan at ipinaglalaban, at hindi lamang basta minana subalit karapatan na dapat proteksyunan sa bawat araw.
