NAKATAKDANG sumabak ang Filipina Tennis Superstar na si Alex Eala sa Philippine Women’s Open matapos kumpirmahin ang kanyang partisipasyon sa WTA 125 event.
Dumating sa bansa si Eala noong Miyerkules at ibinahagi ang kanyang excitement sa pamamagitan ng statement na ipinost sa official page ng tournament.
Ang bente anyos na Pinay ay binigyan ng wildcard entry para sa tournament, kasama si Tenielle Madis.
Nag-early exit si Eala sa Australian Open, matapos kapusin sa unang round ng Singles at Doubles events.




