MULING nakapagtala ng explosive eruption ang Phivolcs sa summit ng Bulkang Kanlaon.
Ayon sa Phivolcs naganap ang pagsabog alas sais syete kagabi, March 15.
ALSO READ:
Dahil sa pagsabog, naitala ng Phivolcs ang five kilometer-high eruption column.
Ito na ang ikatlong pagputok ng bulkan ngayong taon batay sa datos ng Phivolcs.
Unang nagkaroon ng explosive eruption sa bulkan noong February 19 at 26.
Nananatiling nasa Alert Level 2 ang bulkan at bawal pa rin ang pagpasok sa four-kilometer Permanent Danger Zone.




