KANSELADO na ang pagdaraos ng Formula 1 Grand Prix sa Bahrain at Saudi Arabia na gaganapin sana sa buwan ng Abril.
Ito ay dahil sa lumalalang tension sa Gitnang Silangan.
ALSO READ:
Ayon sa pahayag ng organizers, walang ipapalit na karera para sa nasabing buwan.
Posible ring mabawasan ang season mula twenty-four to twenty-two races na lang.
Ang pangamba sa seguridad, airport closures at pag-atake ng drone at missiles sa rehiyon ang dahilan ng pagkansela.
Ayon sa organizers, prayoridad ang kaligtasan ng mga driver, teams at lahat ng kasali sa kompetisyon.




