MAS magiging komportable ang pagbiyahe sa Pilipinas ng mga pasahero dahil sa pagbubukas ng upgraded na Terminal 1 Arrivals Extension.
Ayon sa pamunuan ng NAIA, sa mas pinagandang arrivals station ibinaba ang ramp slope mula 8 percent patungo sa 4 percent na lamang at nilagyan na ito ng anti-slip rubber mat flooring para mas ligtas at accessible sa mga pasahero.
ALSO READ:
Travel Ban, hindi pa kailangan sa kabila ng insidente ng pagkasawi sa Bangladesh dahil sa Nipah Virus
Sen. Marcoleta, itinangging nanawagan siyang i-give up ang Kalayaan Island Group
Pagbasura sa impeachment complaints laban kay Pangulong Marcos, pinal nang pinagtibay ng House Panel
Ika-3 impeachment complaint, isinampa laban kay VP Sara
Magkakaroon na din ng centralized taxi at ride-hailing hub para sa mas madaling pick-ups at mas maayos na traffic flow.
Mas madami na ding dining options at nakatakda pang magbukas ang mas maraming restaurants.
Ang Terminal 1 Arrivals Extension ay bahagi ng nagpapatuloy na hakbang ng New NAIA Infra Corporation para sa rehabilitasyon ng Paliparan.
