ISANG dose anyos na lalaki ang natusok ng bakal sa Barangay Calamba, sa Cebu City.
Ayon sa report, natuhog umano ng bakal sa pader ang kaliwang braso ng biktima.
Batay sa salaysay ng mga saksi, naglalaro ng sipa ang bata nang aksidenteng lumipad ang kanyang sapatos na napunta sa bubong ng isang bahay.
Sa video, makikitang nakatayo at tila naghahabol ng hininga ang biktima.
Agad inoperahan ang bata para matanggal ang bakal na nakatusok sa kanyang braso, at ngayon ay nasa maayos na siyang kalagayan.