6 June 2025
Calbayog City
National

Expelled Congressman Arnolfo Teves Jr., inaresto sa Timor-Leste; DOJ, handang iproseso agad ang pag-uwi sa bansa ng dating kongresista 

MULING inaresto sa kaniyang tinutuluyang bahay sa Dili, Timor-Leste ang sinibak na kongresista ng Negros Oriental 3rd District na si Arnolfo Teves Jr.

Sa nasabing video, makikitang inaaresto ang dating kongresista ng mga kinatawan mula sa Immigration.

Ibinahagi ng kaniyang anak na si Axl Teves sa kaniyang Facebook ang video ng pagkakadakip sa kaniyang ama na ayon sa kaniya ay isang uri ng “kidnapping” at “pang-aabuso”.

Sinabi ni Axl na walang dalang Warrant of Arrest o anumang dokumento ang mga dumampot sa kaniyang ama.

Umapela si Axl sa pamahalaan ng Timor Leste na sundin ang Rule of Law at huwag magpadala sa gobyerno ng Pilipinas.

Habang handa naman ang pamahalaan na iuwi ng bansa ang ang sinibak na kongresista ng Negros Oriental 3rd District na si Arnolfo Teves Jr.

Pahayag ito ng Department of Justice (DOJ) sa balitang pag-aresto kay Teves sa Timor-Leste.

Sa ngayon ayon sa DOJ ay nakaantabay ito sa magiging development at sa kung ano ang magiging hakbang at pasya ng gobyerno ng Timor-Leste

Welcome ang development din para sa DOJ ang pahayag ng nasabing bansa na hindi maaaring manatili sa kanilang teritoryo ang dating kongresista.

Inaantabayan ng DOJ kung si Teves ay ipade-deport dahil sa pagiging Undocumented Foreigner o ma-e-extradite base sa nakabinbing aplikasyon ng Pamahalaan ng Pilipinas.

Sinabi ng kagawaran na anuman ang maging development sa kaso ni Teves ay handa ang gobyerno na agad ayusin ang pag-uwi niya sa pinakamabilis na pamamaraan.

donna cargullo

Chief News Correspondent
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.