BINALEWALA ng nag-iisang Eight-Division World Champion Manny Pacquiao ang paniniwala na masyadong huli ang kanilang rematch ni Floyd Mayweather Jr.
Ang pinakahihintay na rematch ay mangyayari sa Sept. 19, 2026 at mapapanood sa Netflix, mahigit isang dekada matapos ang kanilang unang bakbakan sa ring noong May 2, 2015.
Sa naturang match, nanalo si Mayweather via unanimous decision, kung saan dalawang judges ang nagbigay ng score na 116-112 habang ang isa pa ay 118-110.
Sinabi ni Pacquiao na para sa kanya ay hindi pa naman huli ang lahat at hindi rin naman sila nagpabaya sa kanilang kondisyon.
Idinagdag ng pambansang kamao na naitakda na ang laban, kaya nagsimula na ang kanyang training limang buwan bago ang rematch.
Ibinahagi rin ni Pacquiao na hindi pa sigurado ang kanyang exhibition match laban kay Retired Former Junior Welterweight Champion Ruslan Provodnikov ng Russia.




