TINALAKAY ng foreign ministers mula sa European Union (EU) countries ang options na ma-secure ang Strait of Hormuz.
Gayunman, nagpasya sila na huwag palawakin ang kanilang naval operations sa rehiyon.
ALSO READ:
US President Trump at British Prime Minister Starmer, tinalakay ang muling pagbubukas ng Strait of Hormuz
Mahigit 50 cultural sites sa Iran, nasira sa mga pag-atake ng US at Israel
Barko lang ng Amerika ang bawal dumaan sa Strait of Hormuz
Iran, walang palulusutin kahit 1 litrong langis sa Strait of Hormuz
Kasunod ito ng panawagan ni US President Donald Trump sa European allies na suportahan ang hakbang ng Estados Unidos para ma-secure ang mahalagang waterway matapos itong isara ng Iran.
Sinabi ni Kaja Kallas, top diplomat ng EU, na walang interes ang Europe sa open-ended war.
Idinagdag niya na mahalaga na ang ginagampanang papel ng Operation Aspides ng Red Sea Naval Force ng EU, sa pagbabantay sa freedom of navigation.
