NAKA-confine ngayon sa ospital si Dating Senador Juan Ponce Enrile at delikado umano ng lagay nito ayon kay Senator Jinggoy Estrada.
Sa pagbabalik ng plenary session ng senado, sinabi ni Estrada na nasa ICU si Enrile dahil sa pneumonia at kritikal ang lagay nito.
Nag-alay naman ng dasal ang senado para kay Enrile.
Wala pang pahayag ang pamilya ni Enrile tungkol sa lagay ng dating senador.




