Sugatan ang 23-anyos na estudyante makaraang mahulog bangin ang minamaneho niyang sasakyan sa Bakakeng Norte, baguio City.
Ayon sa Baguio City Police Office, nangyari ang insidente Biyernes, July 18 ng madaling araw sa kalsada na sakop ng Purok 4 sa nasabing barangay.
ALSO READ:
Mag-amang namaril sa Bondi Beach sa Australia, halos hindi lumalabas sa kanilang hotel room sa Davao habang nasa Pilipinas
Rockfall event, namataan sa Bulkang Mayon
Wage Hike sa MIMAROPA at Zamboanga Peninsula epektibo sa Jan. 1
Mahigit 15K na iligal na vape units na kinumpiska mula sa Visayas, winasak ng BIR
Nahulog ang kulay itim na Mitsubishi Triton sa bangin na 30-foot ang lalim makaraang mawalan ng control ang driver sa sasakyan.
Ayon sa pulisya, conscious naman ang driver nang dumating ang mga otoridad sa lugar at dinala ito sa pagamutan para malapatan ng lunas sa tinamong minor injuries.
