ITINALAGA ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Si Senador
Sonny Angara bilang bagong kalihim ng Department of Education (DEPED).
NACC, umapela sa socmed platforms na maging mas mahigpit kontra online baby selling
Paratang ng mga nagpakilalang ex-marines, itinanggi ni Ombudsman Remulla
Ika-2 impeachment complaint vs VP Sara, iniatras ng Tindig Pilipinas
Pinay, nasawi sa missile attack sa Israel; DND tiniyak ang kahandaan na ilikas ang mga Pinoy sa Gitnang Silangan
Papalitan ni Angara sa pwesto si Vice President Sara Duterte na nagbitiw noong Hunyo 19.
Base sa facebook post ng Presidential Communications Office, magiging epektibo ang Appointment ni Angara sa Hulyo 19.
Ginawa ni Pangulong Marcos ang anunsyo sa ika-17 Cabinet Meeting sa Palasyo ng Malakanyang.
Ayon sa Pangulo, tinanggap ni Angara ang alok na maging DEPED Secretary.
Naging kilala si Angara bilang tagapagtaguyod ng Edukasyon ng Bansa.
Nagtapos si Angara sa Master of Laws sa Harvard University, Bachelor of Laws sa University of the Philippines, at Bachelor of Science in Economics sa London School of Economics. (CY)
