NAG-release ang Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) ng housing recovery grants sa 36 families sa Catarman, Northern Samar, na nawalan ng tirahan bunsod ng malakas na bagyo noong nakaraang taon.
Sa ilalim ng Integrated Disaster Shelter Assistance Program, target ng financial aid ang mga residente na nawasak o nasira ang mga bahay dahil sa Typhoon Tino noong November 2025.
Sa mga benepisyaryo, 19 households na nawasak ang bahay ang tumanggap ng tig-50,000 pesos habang 17 families na partially damaged ang mga bahay ay pinagkalooban ng tig-20,000 pesos.
Sinabi ni Catarman Mayor Dianne Rosales na mahalaga ang pondo para matulungan ang mga pamilyang magtayo ng bahay sa mas ligtas na lugar at malayo sa high-risk coastal na “No-Build Zones” sa Barangay Cawayan, kung saan tinangay ang kanilang orihinal na tirahan.




