Tumatanggap na ng aplikasyon para sa emergency loan ang Government Service Insurance System o GSIS.
Ayon sa GSIS, bukas ang emergency loan sa lahat ng aktibong miyembro at old-age and disability pensioners aa buong bansa.
ALSO READ:
Sinabi ni GSIS president and general manager Arnulfo “Wick” Veloso ang mga bagong aplikante para sa emergency loan ay maaaring makahiram ng 20,000 pesos.
Habang ang mga may existing na ay maaaring makahiram ng hanggang 40,000 pesos.
Ang application period ay hanggang sa Feb. 7, 2026.




