Nakawala na sa sumpa ang Emilio Aguinaldo College laban sa San Beda University.
Gumawa ng kasaysayan ang Generals makaraang talunin ang Red Lions sa score na 68-55 sa season 100 ng NCAA Men’s Basketball sa San Juan Arena.
ALSO READ:
Pilipinas, magsisilbing host ng unang SEA Plus Youth Games sa 2028
Clippers Star Kawhi Leonard, nagpakawala ng Career-High na 55 points para pabagsakin ang Pistons
Alex Eala, kinapos kay Mirra Andreeva sa Macau Tennis Masters
Pinoy jet ski racers, nakasungkit ng medalya sa WGP-1 Waterjet World Cup 2025 sa Thailand
Pinangunahan ni Harvey Pagsanjan ang Generals sa kanyang 14 points, 7 rebounds, at isang steal habang nag-ambag sina JC Luciano ng 13 points at Axel Doromal ng 6 markers, 6 assists, at 3 rebounds.
Bago ang panalo ng EAC, hindi pa ito nanalo kahit minsan sa dalawampu’t pitong beses nilang paghaharap ng San Beda simula nang sumali sila bilang guest team sa NCAA noong 2009.
