TINAYA ng Office of Civil Defense (OCD) na posibleng abutin ng hanggang limandaang milyong piso ang halaga ng emergency repair sa San Juanico Bridge sa Eastern Visayas.
Inihayag ni OCD Administrator Undersecretary Ariel Nepomuceno, na pinag-aaralan pa ng pamahalaan kung kukunin ang pondo mula sa Disaster Risk Reduction and Management Fund, dahil wala pang inilalaang pondo ang Department of Public Works and Highways (DPWH) para sa planong repair.
Ayon sa DPWH, sa assessment kamakailan, ikinabahala ang structural integrity ng San Juanico Bridge.
Bilang bahagi ng precautionary measures, ipinagbawal ng DPWH ang pagdaan sa 2.16-kilometer bridge ng mga sasakyan na may bigat na mahigit tatlong tonelada.