ACTIVATED na ang Emergency Operations Center ng Metropolitan Manila Development Authority para bantayan ang Bagyong Uwan.
Ayon kay MMDA Chairman Don Artes, nakabantay ang ahensya sa pamamagitan ng MMDA Communications and Command Center sa Pasig City.
Naka-preposition na rin ang MMDA Search and Rescue Teams sa iba’t ibang quadrants ng Metro Manila. Ilang kagamitan din ang nakahanda na gaya ng Rubber Boats, Mobile Pump Units, Ring Bouys, Puddles, Throw Ropes, at iba pa.




