12 July 2025
Calbayog City
National

Embahada ng Pilipinas sa Washington D.C., nakasubaybay sa nangyaring aviation accident

NAKASUBAYBAY ang embahada ng Pilipinas sa Washington D.C. sa aviation incident na naganap sa Reagan National Airport.

Kasunod ito ng napaulat na banggaan ng isang commercial jet at isang military helicopter.

Ayon sa pahayag ng embahada ng Pilipinas sa Washington D.C minomonitor nito ang insidente.

Nagsasagawa na ng search and rescue operations ang mga otoridad kasunod ng banggaan ng dalawang aircraft.

Sa ngayon sinabi ng embahada na wala pa itong natatanggap na report na may Pinoy na nadamay sa nangyari.

(DDC)

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).