PAHINGA muna ang boxer at Sparkle artist na si Eman Bacosa Pacquiao sa showbiz para makapag-focus sa kanyang nalalapit na boxing match sa Feb. 28 sa Tagbilaran City sa Bohol.
Sumailalim si Pacquiao sa intensive training sa isang boxing gym sa Davao City, bilang bahagi ng kanyang paghahanda sa laban.
Ito ang unang pagkakataon na sasabak si Pacquiao sa isang eight-round professional boxing.
Makakasagupa ni Eman ang Indonesian boxer na si Reynold Kundimang sa naturang match. Hawak ni Pacquiao ang undefeated professional record na 7 wins, with 4 knockouts, and 1 draw.




