LIMANG pasahero, kabilang ang tatlong menor de edad, ang nasawi makaraang mahulog ang sinasakyan nilang ELF truck sa bangin sa Brgy. Sto. Niño, talaingod, Davao Del Norte.
Ayon sa talaingod Municipal Police, nawalan ng preno ang truck sa pababa at pakurbadang bahagi ng kalsada hanggang sa mawalan ng kontrol sa manibela ang driver at malaglag ang sasakyan sa bangin.
ALSO READ:
Seguridad para sa Panagbenga Festival, ikinakasa na
3rd-Party Assessment sa Aganan Flyover sa Iloilo, ipinag-utos ng DPWH Chief
8.4 million pesos na halaga ng tulong, ipinagkaloob ng DSWD sa mga biktima ng pag-aalboroto ng Mayon Volcano
Bilang ng mga nasawi sa gumuhong landfill sa Cebu, lumobo na sa 25
Nasa dalawampu’t lima ang pasahero ng truck na patungong beach resort sa Davao De Oro nang mangyari ang aksidente.
