Posibleng magamit na ng mga pasahero ang mga elevator sa limang footbridges sa kahabaan ng EDSA Busway ngayong buwan ng Hunyo.
Sinabi ni Transportation Undersecretary for Road Transport and Infrastructure Jesus Ferdinand Ortega, na umaasa sila na bago sumapit ang Hulyo ay magiging functional na ang mga elevator para makapagbigay ng ginhawa sa mga commuter.
Phase 1 ng EDSA Rehab, inaasahan ng DPWH na matatapos sa Hulyo
German, arestado sa NAIA matapos mahulihan ng 55 million pesos na halaga ng shabu na itinago sa mga bibliya
Driver ng kotse na nabagsakan ng estudyante sa EDSA, pinalaya ng mga awtoridad
Lalaki, patay matapos tumalon mula sa FPJ Station ng LRT-1 sa Quezon City
Ikinatuwa naman ng mga pasahero, lalo na ng mga senior citizen, ang napipintong pagbubukas ng busway elevator, dahil hirap silang gumamit ng footbrige.
Samantala, inanunsyo rin ng Department of Transportation ang posibleng pagbubukas ng unang labindalawang istasyon ng MRT-7 sa pagtatapos ng 2025.
Ang labindalawang ruta na target buksan ay mula sa North Avenue sa Quezon City hanggang sa San Jose del Monte sa Bulacan.
