INIURONG sa Oct. 18 ang Electric Fun Music Festival ng Eraserheads.
Sa Instagram, inihayag ng festival na ang kanilang hakbang ay upang matiyak na magiging “epic” at hindi malilimutan ng mga nanood ang kanilang karanasan sa show.
Gaganapin pa rin ang music festival sa SMDC Festival Grounds sa Parañaque City.
Orihinal na itinakda ang Electric Fun Music Festival sa May 31, nang ianunsyo ito sa end credits scene ng E-heads documentary na “Combo On The Run.”
Una nang inanunsyo na umatras sa nasabing proyekto ang lead guitarist ng banda na si Marcus Adoro bunsod ng Sexual Assault allegations.