22 October 2025
Calbayog City
Local

Ekonomiya ng Tacloban City, lumago ng 8.2% noong 2024

LUMAGO ng 8.2% ang ekonomiya ng Tacloban City noong 2024, lagpas sa 6.8% Growth na naitala noong 2023, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA). 

Sa Provincial Product Accounts (PPAs) Report, tinaya ng PSA ang Gross Domestic Product (GDP) ng lungsod sa 59.58 billion pesos noong nakaraang taon.

Mas mataas ito kumpara sa 55.06 billion pesos noong 2023 at 51.54 billion pesos noong 2022.

Sinabi ni Zonia Salazar, PSA Eastern Visayas Supervising Statistical Specialist, na nananatili ang Tacloban bilang Key Driver ng ekonomiya ng Eastern Visayas, na ikalawa sa pinakamalaking Highly Urbanized and Provincial Economies sa rehiyon.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).