PINADAPA ng Philippine Women’s National Football Team ang koponan ng Iran, sa score na 2-0, para makabangon sa AFC Women’s Asian Cup sa Australia.
Dahil sa naturang panalo, nananatili sa contention ang Pilipinas para sa isang spot sa Knockout Stage, at pang third sa Group A, na may 1-0-2 record, sunod sa South Korea at sa host country na Australia.
Gayunman, kailangang hintayin ng pambansang koponan ang resulta ng iba pang grupo upang matukoy ang kanilang standing sa mga team na nag-third place.
Ang tanging dalawang best third-place finishers mula sa tatlong grupo sa tournament ang uusad sa Knockout Stage.




