NAKABALIK na sa Pilipinas ang veteran actor na si Eddie Gutierrez, kasama ang misis na si Annabelle Rama at mga anak.
Pumunta ang Gutierrez family patungong Singapore noong Disyembre para samahan ang kanilang padre de pamilya, sa kanyang spinal procedure.
ALSO READ:
Sa video na ibinahagi ng kanyang anak na si Ruffa sa social media, ipinaabot ni Eddie ang kanyang pasasalamat sa mga tumulong at nagdasal.
Ipinagdiwang ng 83-year-old veteran star ang holidays kasama ang kanyang pamilya sa Pilipinas at babalik sa Singapore ngayong Enero at sa Marso para sa dalawa pang procedures.




