BUKAS ang Second Congressional Commission on Education (EDCOM 2) sa proposal ng Department of Education (DepEd) na ipatupad ang Trimester System sa School Year 2026-2027.
Gayunman, binigyang diin ni EDCOM 2 Executive Director Karon Mark Yee, na mahalagang matiyak ang kahandaan ng lahat bago ang implementasyon.
ALSO READ:
Nilinaw ni Yee na hindi sila tutol sa Trimester proposal, kailangan lamang aniya na siguraduhin na handa ang ground, maayos ang konsultasyon, at natanong ang lahat ng teachers kung handa talaga.
Una nang inilarawan ng DepEd ang Trimester System bilang “holistic approach” sa pagsusulong ng balanced time management para sa mga estudyante.




