KARAGDAGANG pito pang Pinoy ang nailikas ng team ng DMW at OWWA mula sa Israel at dinala sa Taba Border Crossing sa Egypt.
Pagdating sa Taba, Egypt, agad silang sinalubong ng mga kawani ng Philippine Embassy sa Cairo at ng OWWA Rapid Response Team.
ALSO READ:
Pansamantala silang mananatili sa Egypt habang inaayos ang kanilang flight pauwi sa Pilipinas.
Ayon sa embahada ng Pilipinas sa Israel, sa kabuuan, pitumpu’t limang Pinoy na ang natulungan na makalabas ng Israel.
Sa nasabing bilang, tatlumpu’t dalawa ay mga OFW na kinabibilangan ng mga caregiver at hotel workers.
Habang apatnapu’t tatlo naman ay mga turista, pilgrims, at estudyante.




