INAASAHAN ang mga oportunidad sa ekonomiya sa pagbisita ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa United Arab Emirates.
Sa Bagong Pilipinas Ngayon Public Briefing, inihayag ng political analyst na si Dr. Froilan Calilung na isang napakahalagang partner ng bansa ang UAE sa ekonomiya, at sa kapakanan ng Overseas Filipino Workers.
Inaasahan sa working visit ang mga oportunidad sa kalakalan, pagpapalitan ng teknolohiya, investments sa imprastraktura at enerhiya, at mas malawak na access sa mga produkto.
Makatutulong ding makahihikayat ng investments ang mga ipinasang batas para sa pagluluwag ng pagnenegosyo sa bansa, gaya ng CREATE More Law.
Kahapon ay nakipagpulong si Marcos kay UAE President Sheikh Mohamed Bin Zayed Al Nahyan.