BINALAAN ng Philippine Coast Guard ang publiko laban sa mga gumagamit ng pangalan ng Coast Guard commandant para makapanloko.
Ayon sa PCG, may mga scammer na nanloloko sa pamamagitan ng tawag sa telepono at ginagamit si Admiral Ronnie Gavan para manghingi ng pera o donasyon.
ALSO READ:
Sinabi ng PCG na walang ina-awtorisa si Gavan para gamitin ang kaniyang pangalan sa solicitation o iba pang kahalintulad na aktibidad.
Paalala ng PCG sa publiko at sa mga Coast Guard personnel: maging maingat at ugaliing mag-verify muna bago maniwala.
Nakikipag-ugnayan na ang PCG sa mga awtoridad para maimbestigahan ang insidente.




