9 September 2024
Calbayog City
Local

Eastern Visayas target makapag-ani ng 5000 tonelada ng buto ng cacao sa susunod na 5 taon

TARGET ng Eastern Visayas na makapag-produce ng 5,000 metric tons ng dried cacao beans sa susunod na limang taon sa kabila ng napakababang produksyon nito sa nakalipas na sampung taon.

Ayon sa Department of Agriculture Region 8, kailangang maabot ang target volume upang mapunan ang kakulangan sa buong bansa, kasabay ng pagtaas ng demand sa cacao beans na pangunahing sangkap sa paggawa ng tsokolate.

Sa datos mula sa Philippine Statistics Authority (PSA), nakapag-harvest lamang ang mga cacao farmer sa Eastern Visayas ng 70.87 metric tons ng dried beans noong 2022 kumpara sa 114.44 metric tons sampung taon na ang nakalipas.

Sa ulat ng local government units, mayroong 879,366 na mga puno ng cacao sa rehiyon na inaalagaan ng 5,672 na mga magsasaka.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *