I-a-update ng Eastern Visayas Regional Stakeholders’ Chamber on the Sustainable Development Goals (RSC-SDG) ang SDG Catch-up Plan ng rehiyon.
Ito’y bilang bahagi ng pagpapalakas ng multi-sectoral coordination mechanisms para sa implementasyon ng goal sa rehiyon.
ALSO READ:
Supersonics Taekwondo Athlete Roivy Cabrillas, nasungkit ang gintong medalya sa nagpapatuloy na EVRAA 2026 sa Baybay City
Mahigit 900 katao, nasugatan dahil sa aksidente sa kalsada sa Region 8 sa unang 2 buwan ng taon
DPWH, humahanap ng pondo para sa ‘Grand Canal’ sa Tacloban matapos hindi paglaanan ngayong 2026
Pamamaril sa DPWH engineer ng aktibong sundalo sa Northern Samar, kinundena ng Philippine Army
Sinabi ni Philippine Statistics Authority Regional Director Wilma Perante, pinuno ng RSG-SDG, na ang Catch-up Plan ay kabilang sa priority actions sa unang kalahati ng 2026.
Una nang iniulat ng PSA ang pababa ng progreso sa lima mula sa 17 SDGs, na kinabibilangan ng gender equality; industry, innovation, and infrastructure; reduced inequalities; sustainable cities and communities; at climate action.
