3 July 2024
Calbayog City
Local

Eastern Visayas Regional Joint Security Control Center doble na ang paghahanda para sa Oct. 30 Barangay at SK Elections

PINAIGTING ng Eastern Visayas Regional Joint Security Control Center (RJSCC) ang kanilang paghahanda para sa Oct. 30, 2023 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

Ayon kay COMELEC Eastern Visayas Regional Director Jose Nick Mendros, RJSCC Chairperson, magkakaroon sila ng regular meeting para i-assess ang preparasyon ng concerned agencies na inatasan para tiyakin ang mapayapa at maayos na halalan.

Inamin ni Mendros na mas mabigat na responsibilidad ang pagsasagawa ng BSKE kumpara sa national at local elections na mayroong mas maraming botante, kandidato, presinto at guro na magsisilbi sa eleksyon.

Ang Eastern Visayas ay mayroong kabuuang apatnalibo tatlundaan animnapu’t limang mga barangay.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

    Leave a Reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *