12 August 2025
Calbayog City
Local

Eastern Visayas, nakapagtala ng Record Low na Inflation noong Hulyo

NAGRESULTA sa pagbagal pa ng Inflation Rate sa Negative 0.2 percent noong Hulyo mula sa 0.7 percent noong Hunyo ang pagbagsak ng Food Prices sa Eastern Visayas, na pinakamababa sa nakalipas na halos anim na taon.

Ayon kay Philippine Statistics Authority (PSA) Eastern Visayas Supervising Statistical Specialist Zonia Salazar, ito ang unang beses simula noong November 2019 na nakapagtala ang rehiyon ng Negative Inflation Rate.

Sinabi ni Salazar na malaking impluwensya sa pagbaba ng Regional Inflation Rate ang 0.9 percent na Annual Price Drop sa Food and Non-Alcoholic Beverages mula sa Zero Inflation noong Hunyo.

Bumagsak din ang Annual Price ng bigas sa 15.5 percent noong Hulyo mula sa 14.4 percent noong Hunyo.

Kabilang din sa nag-contribute sa Downtrend ang Housing, Water, Electricity, Gas at iba pang Fuels na may Zero Inflation noong Hulyo mula sa 2.2 percent noong Hunyo.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).