Walong kaso ng firecracker-related injuries ang naitala ng Department of Health (DOH) Eastern Visayas habang mahigit limandaan ang na-ospital bunsod ng iba pang health emergencies sa gitna ng pagdiriwang ng holidays.
Ang mga nasugatan dahil sa mga paputok ay mula sa Padre Burgos at Maasin City sa Southern Leyte; Guiuan sa Eastern Samar; Tacloban City, Abuyog, at Barugo sa Leyte; at San Jorge sa Samar.
Illegal gun dealer, patay matapos manlaban sa mga pulis sa Calbayog City
Halos 3 milyong pisong halaga ng tulong pangkabuhayan, ipinagkaloob ng DOLE sa mga grupo ng kababaihan sa Southern Leyte
Mahigit 142,000 na disadvantaged workers, natulungan ng TUPAD sa Eastern Visayas noong 2025
Eastern Visayas, nakapagtala ng 0.7% Inflation noong 2025; pinakamababa sa loob ng 30 taon
Nagtamo ang mga ito ng sugat sa mata at kamay matapos magsindi ng whistle bomb at kwitis, at gumamit ng lantaka, sa pagitan ng Dec. 23 hanggang 31.
Pawang mga lalaki ang biktima na labing isa hanggang apatnapung taong gulang.
Simula noong Dec. 21 ay nakapagtala ang DOH Region 8 ng 515 cases ng injuries, kabilang ang 359 individuals na nasangkot sa mga aksidente sa kalsada.
Nakapag-record din ang health facilities sa Eastern Visayas ng labindalawang nasawi bunsod ng iba’t ibang aksidente at iba pang health emergencies na may kinalaman sa pagdiriwang ng kapaskuhan simula noong Dec. 21.
