Inuga ng magnitude 5.6 na lindol ang Eastern Samar, alas dos singkwenta ng hapon (2:50PM), kahapon.
Ayon sa PHIVOLCS, natunton ang epicenter ng lindol pitumpu’t anim (76) na kilometro hilaga ng bayan ng Hernani, at may lalim na pitong kilometro.
Naramdaman ang intensity 5 sa mga bayan ng Hernani at Llorente habang intensity 4 sa mga munisipalidad ng Gen. Macarthur, Balangkayan, Maydolong, Salcedo, pati na sa Borongan City, sa Eastern Samar.
Naitala naman ang intensity 3 sa Quinapondan, San Julian, Sulat, Taft, Mercedes, Guiuan, Giporlos, Lawaan at Balangiga sa Eastern Samar; at Tacloban City sa Leyte.
Intensity 2 sa Can-avid, Dolores, Oras, San Policarpo; Palo, Tanauan, Dulag, Babatngon, San Miguel, Pastrana, Barugo, Carigara, Tabontabon at Julita, sa Leyte; pati na sa Basey at Santa Rita, sa Samar.
Wala namang naitalang pinsala sa lindol na tectonic in origin subalit nagbabala ang PHIVOLCS ng posibleng mga aftershock.