23 November 2024
Calbayog City
Local

Easter Visayas Response Team, tumanggap ng Heroes Welcome pagkatapos ng deployment sa Bicol

ISANDAAN pitumpu’t dalawang responders, na karamihan ay mga pulis na idineploy para tulungan ang mga biktima ng Bagyong Kristine sa Bicol Region, ang tumanggap ng heroes welcome, kahapon, sa kanilang pagbabalik sa Eastern Visayas matapos ang sampung araw na post-disaster response.

Sa welcome ceremony, sinabi ni PNP Eastern Visayas Regional Director, Brig. Gen. Jay Cumigad, na walang pagod na nag-trabaho ang interagency contingent upang maipatupad ang law and order, public safety, at humanitarian aid sa mga lugar na lubhang hinagupit ng bagyo.

Nagsagawa rin aniya ang mga ito ng rescue missions, relief distribution, at nagpanatili ng kaayusan at kapayapaan, bilang bahagi ng pagbangon ng mga nasalantang residente.

Oct. 24 nang ideploy ng Eastern Visayas ang kabuuang 172 responders na binubuo ng 150 personnel mula sa PNP, labing anim mula sa Bureau of Fire Protection, at anim mula sa Philippine Coast Guard, sa Bicol Region.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).