22 November 2024
Calbayog City
Local

Poverty incidence sa Eastern Visayas bahagyang bumaba

BAHAGYANG bumaba ang insidente ng kahirapan sa Eastern Visayas, subalit kapos pa rin ito sa reduction target, ayon sa National Economic and Development Authority (NEDA) Regional Office, batay sa kanilang 2021 full report.

Mula sa 30.7 percent noong 2018, bumaba ang poverty rate sa rehiyon sa 28.9 percent noong 2021 o 1.8 percent na kabawasan.

Sinabi ni NEDA Regional Director Meylene Rosales na nangangahulugan ito na 31,200 na indibidwal sa Eastern Visayas ang naka-ahon sa kahirapan sa loob ng tatlong taon.

Gayunman, kapos pa rin aniya ito sa kanilang target na 23.7 percent para sa naturang taon, alinsunod sa nakasaad sa Eastern Visayas Regional Development Plan.

Katanggap-tanggap naman aniya ito dahil sa pagtamlay ng ekonomiya na naranasan bunsod ng Covid-19 pandemic.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *