WALANG namo-monitor na anumang banta ang National Capital Region Police Office (NCRPO) para sa 40th anniversary ng EDSA People Power sa Feb. 25.
Ayon kay NCRPO Spokesperson Police Major Hazel Asilo, ongoing ang intelligence monitoring at threat assessment, bilang bahagi ng kanilang paghahanda.
ALSO READ:
Tulong sa mga empleyado ng nasunog na Landers Supermarket, siniguro ng Quezon City LGU
4 na critically endangered na uri ng amphibian, nailigtas sa Malabon
Pagpapatupad ng Tap-To-Pay services sa LRT, mauurong sa susunod na buwan
Mga sirang escalator sa MRT-3 Shaw Station magagamit na muli sa Pebrero at Marso
Aniya, bagaman wala silang namo-monitor na partikular na banta sa seguridad ay pro-active ang kanilang pagbabantay, upang maagapan ang anumang posibleng insidente at mapanatili ang kaayusan.
Idinagdag ni Asilo na isinasapinal pa nila ang deployment consolidation and coordination kaya wala pang eksaktong bilang ng police personnel na ide-deploy.
