EPEKTIBO na ngayong araw, January 2, 2026 ang pagbabawal sa mga E-Trike na bumaybay sa mga pangunahing lansangan sa Metro Manila.
Ayon sa Land Transportation Office, alinsunod sa umiiral na patakaran ng Metropolitan Manila Development Authority, bawal ang mga E-Trike sa EDSA, C-5 Road, Roxas Boulevard, at Quirino Avenue to Magallanes na bahagi ng South Luzon Expressway.
Paliwanag ni LTO Chief, Assistant Secretary Markus Lacanilao, ang pagbabawal sa mga E-Trike ay para masiguro ang kaligtasan sa mga lansangan lalo at ang nabanggit na mga kalsada ay idinisenyo para sa mas mabilis at mas malalaking sasakyan.
Ang mga mahuhuling gumagamit ng E-Trike sa mga ipinagbabawal na lansangan ay sasailalim sa mga kaukulang parusa alinsunod sa Land Transportation and Traffic Code.
Hiniling naman ng lto ang kooperasyon at pang-unawa ng mga motorista sa pagpapatupad ng polisiya.




